Martes, Oktubre 4, 2011

HALIMBAWA NG BANGHAY ARALIN

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAMPANGA
DISTRITO NG BACOLOR
Paaralang Elementarya Ng Bacolor
Bulaon Resettlement, Lungsod Ng San Fernando, Pampanga
Setyembre 16, 2011

Taong Pampaaralan 2011-2012                                                                                                                    
Grade VI-A
Ikalawang Markahan
Oras: 8:30 – 9:30
Banghay- Aralin
Pakitang Turo sa Filipino 6

I.              Layunin

Pagkatapos ng anim na pung (60) minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang 75 % antas ng tagumpay na:
·         naipaliliwanag ang nilalaman ng awiting “ Masdan Ang Kapaligiran”,
·         natutukoy ang pandiwa sa pangngusap at ang aspekto nito, at
·         nakatutulong sa pangangalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran

II.            Paksang Aralin: ASPEKTO NG PANDIWA
Sanggunian: Landas Sa Wika 6, Lydia B. Liwanag: Pahina 90-97
Kagamitan: Manila Paper, Kartolina, Tsart, Kopya Ng Awit, CD, Cassette

Pagpapahalaga: “Pangangalaga sa Kapaligiran”

III.           Pamamaraan
Gawain Ng Guro
Gawain Ng Mga Mag-Aaral
A.   Panimulang Gawain

1.    Pang araw- araw na Gawain
·         Panimulang dasal
·         Pagtawag ng mga kalahok
·         Pampasigla

B.   Pagganyak

1.    Pagkuha sa Interes ng mga Bata

              Masdan ninyo ang ating kapaligiran. Ano ang napapansin ninyo sa inyong mga nadaraanan? Lahat ba ay maganda sa inyong paningin?
                  Malalaman natin kung tama nga ba ang inyong tinuran.

C.   Pag-Aalis Ng Sagabal

                  Bago natin alamin ang  sagot sa inyong mga tinuran, narito ang mga salita na dapat muna nating bigyang kahulugan nang maunawaan natin ang nais ipahatid sa atin ng awitin.     
            Sa pisara ay nga salita, sa tapat ng bawat salita ay mga kahon na magbibigay ng kasing kahulugan nito. Bawat kahon ay may katumbas na titik, punan ng ibang mga titik ang kahon upang mabuo ang wastong kahulugan ng mga salita.

1.    pag-unlad

2.    matitikman

3.    masdan

4.    pagpanaw

5.    biyaya

6.    isinilang

D.   Panlinang na Gawain

1.    Paglalahad

                  (Pangkatin ang klase sa apat na grupo). Bawat grupo ay magtatalaga ng tagapag-ulat/ lider, taga-sulat at tagapagmasid -oras. Bawat pangkat ay bibigyan ng kanya-kanyang kopya ng awit. Ipaparinig ko sa inyo ang awit at kung alam ninyo ay maaari ninyong sabayan. Pagkatapos mapakinggan ay bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto upang sagutan ang mga inihanda kong mga tanong.

                (Patugtugin ang awit).

Masdan Ang Kapaligiran
By  Asin
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
REFRAIN 2
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
AD LIB
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
REFRAIN 3
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan
REFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na
[Repeat REFRAIN 2]

2.    Pag-uulat/ Pagtatalakay

               Narito ang mga tanong:

2.1  Alin ang dating kulay asul at nangingitim na ngayon? Bakit?




2.2  Bukod sa atin, sino pa ang nangangailangan ng tirahan?


2.3  Sa awit, ano ang nangyari sa mga ibon?

2.4  Bakit nangyari ang naging sagot sa ikatlong tanong?



2.5  Bakit naman naging marumi ang hangin?




2.6  Ano-ano ang masasamang gawain ng mga tao ang nakakasira sa ating kapaligiran?






                  (Pagkatapos ng sampung minuto, bawat pangkat ay ilalahad ang mga naging sagot sa mga katanungan.)
                   Ano ang nais ipahatid sa atin ng awitin?

                   Paano pahahalagahan ang ating kapaligiran?







                   Magaling!

3.    Paglinang ng Kasanayan

                  Tingnan muli ang inyong kopya ng awit. Inyong bigyang pansin ang mga salitang nakasalungguhit.
                  Ano-ano ang mga salitang ito? Ibigay  nga ninyo.
















                   Ano ang ipinahahayag ng mga salitang ito?

                 Tama!
                 Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang nag papahayag ng kilos?

                   Ano ang mga pandiwa?


                   Tingnan ang mga salitang nasa hanay A.  
                   Kailan nangyari ang mga kilos na ipinahahayag?


                   Ang pandiwa ay may tatlong aspekto, kung ang salitang kilos ay nagaganap na nabibilang ito sa aspektong pang kasalukuyan.

                   Ngayon anong aspekto nabibilang ang mga salita sa hanay A?

                    Paano natin masasabi na ang pandiwa ay nasa aspektong pangkasalukuyan?



                   Tama!

                   Magbigay nga kayo ng iba pang halimbawa.

                   Dumako naman tayo sa mga salita na nasa hanay B.

                   Kailan naganap ang mga kilos na ito? Nangyari na ba?


                   Anong aspekto ng pandiwa naman ito nabibilang?

                  Ano ngayon ang ipinapahayag ng mga pandiwang nasa aspektong pangnagdaan?


                  ( Humingi ng halimbawa sa mga bata)

                   Ngayon, tingnan naman natin ang mga natitirang mga salita na nasa hanay C.

                 Kailan naganap ang mga pangyayarI ?


                 Magaling !

                  Saang aspekto ito nabibilang?

                   Tama!

                   Paano natin masasabi na ang mga pandiwa ay nabibilang sa aspektong panghinaharap?


                  (Pabigyan ng halimbawa ang mga bata)

                  (Balikan ang mga sagot ng bawat grupo. Suriin ang mga ito kung gumamit sila ng mga pandiwa at itanong sa kanila kung anong aspekto ito nabibilang.)

4.    Paglalahat

                  Ano ang pandiwa?

                  Ano ang tatlong aspekto ng pandiwa?




                  Ano  ang pagkakaiba ng mga ito.









                 Mahusay!

5.    Pagpapayamang Gawain

                Tingnan nga natin kung naiintindihan n’yo talaga ang ating pinag-aaralan.
               Gamit itong pentelpen/panulat, bilugan ang mga pandiwa sa mga pangungusap na nakasulat sa pisara. Pagkatapos ay isulat sa loob ng parihaba ang PN kung ito ay nasa aspektong pang nagdaan, PK kung pangkasalukuyan a t PH kung panghinaharap.






















      
          Hindi po!

















1.   

 
GG
 
        - -                    - pag-asenso
        
2.                                   - malalasap
 

3.                                    - tingnan
 

4.                                    - pagkamatay

5.                                   - grasya
 

6.                                        - ipinanganak






























































  




          Ang tubig sa dagat dahil sa pagtatapon natin ng basura, patay na hayop  at iba pang mga bagay na nagpaparumi dito.


Nangangailangan din po ng tirahan ang mga hayop.


Nawalan po ng tirahan ang mga ibon.


Nawalan po ng bahay ang mga ibon dahil sa walang abas nating pagputol ng mga puno na siya namang tirahan nila.


Dahil po sa mga maruruming hangin na nanggagaling sa mga sasakyan, pabrika at iba pang mababahong amoy o hangin na nalilikha na rin ng tao.



Pagputol ng mga halaman at puno.
Ang pagtapon ng basura kahit saan lalong-lalo na sa mga anyong tubig.
Ang pagsunog ng mga basura lalong-lalo na ang mga plastik..
At iba pang masasamang Gawain.





          Ating pahalagahan ang ating kapaligiran.

Magtanim ng mga puno.
Magtapon ng basura sa tamang lugar.
Iwasan ang paglikha ng maruruming hangin, at
Makikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan ukol sa pangangalaga at pagpapauunlad ng ating kapaligiran.









1.    napapansin
2.    nangyayari
3.    namamatay
4.    nawawala
5.    hinihiling
6.    ikinalat
7.    binawi
8.    pumanaw
9.    narating
10.  isinilang
11.  madadapuan
12.  matitkman
13.  darating
14.  aakyatin
15.  lalanguyan
16.  dadalhin


Nagpapahayag po ang mga ito ng kilos.


Pandiwa po.

              Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng kilos o gawa.




             Ngayon po o ginagawa pa lamang po ang kilos.







             Ang mga salitang nasa hanay A ay nasa aspektong pangkasalukuyan.

            Ang isang pandiwa ay nasa aspektong pangkasalukuyan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na sinimulan na at ginagawa pa.


    
            kumukuha, nagdarasal, tumatakbo, naglilinis at nagsusulat.



   
          Opo, ang mga salita sa hanay B ay nagawa na o natapos na.


           Ang mga ito po ay nabibilang sa aspektong pangnagdaan.

           Ang mga pandiwang nasa aspektong pangnagdaan ay nagpapahayag ng kilos na ginawa na o natapos na.

        



  

          Ang mga kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang.



          Ito ay nasa aspektong panghinaharap.




          Masasabi nating ang kilos ay nasa aspektong panghinaharap kung ito ay hindi pa nagagawa at gagawin pa lamang.










       Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng kilos o gawa

       Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay:
1.    pangkasalukuyan
2.    pangnagdaan at
3.    panghinaharap.


           Ang pandiwa ay nasa aspektong pankasalukuyan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na  nasimulan na at ginagawa pa.
          Ito naman ay nasa aspektong pangnagdaan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na ginawa o natapos na.
        At ito ay nasa aspektong panghinaharap kung ito ay hindi pa nagagawa at gagawin pa lamang.












http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gif http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.pngPH  1. Ang mga bulaklak ay iaalay ng dalaga sa altar.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png  PK   2. Nagdidilig si lolo ng halaman tuwing umaga.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png   PN 3. Si Lucia ay magaling na sumunod sa kanyang ina.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png   PN 4. Itinaas sa tagdan ag bandilang Pilipino.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png   PK 5.  Nagsisimba tuwing Linggo ang mag-anak ni G. Rivera.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png  PN  6. Si Miguel ay maagang umalis kanina.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png   PH 7. Kakain na po ba kayo?

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png  PK   8. Ang guro ay matiyagang nagpapaliwanag ng aralin sa mga mag-aaral.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.png  PN  9. Si Rufo ay dumalaw sa maysakit noong isang araw.

http://www.teach-nology.com/worksheets/early_childhood/shapes/circle.gifhttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/0e/Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg/120px-Ski_trail_rating_symbol-green_circle.svg.pngPH10.Ang maliliit pero maaayos kong damit ay ibibigay ko sa mga ulila.


IV.          Pagtataya

   Ngayon ay kumuha ng isa at ipasa sa likod. ( ibigay ang mga hand-outs/ maikling  pagsusulit).
Panuto: Bilugan ang mga pandiwa sa mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat  sa tamang hanay.
1.    Nag-eehersisyo ang mga lalaki at babae.
2.    Ang mga gamit ay inilipat ni Ador sa kabilang kuwarto.
3.    Tatawagan kita mamayang gabi.
4.    Sasamahan kita sa pagsimba sa Baclaran.
5.    Mahusay na sumayaw ang pangkat sa harap ng mga panauhin.
6.    Si Ron ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan.
7.    Nakauwi nang ligtas si Lisa sa kanilang bayan.
8.    Ang sanggol ay pinaliguan ng nanay.
9.    Nagpapahinga sa ilalim ng puno si Edgar.
10.  Aalis ka nga ba sa isang buwan ?

Pangnagdaan
Pangkasalukuyan
Panghinaharap















V.            Takdang- Aralin

Bilugan ang pandiwang angkop sa aspektong ipinahihiwatig sa pangungusap.
1.    ( Nakakita, Nakakakita, Makakakita ) ng bagong trabaho si tatay noong isang araw.
2.    ( Isinulat, Isinusulat, Isusulat) ko sa iyo ang ano mang balitang aking makakalap tungkol sa nawawala mong kapatid.
3.    ( Naglinis, Naglilinis, Maglilinis) kami mamaya bago dumating ang mga bisita ni nanay.
4.    ( Binayaran, Binabayaran, Babayaran) ko na ang damit na iyan kanina kay Fely.
5.    Araw-araw, (tinawagan, tinatawagan, tatawagan) ako ng aking kaibigan.

Mga sagot para sa:

A.   Pagtataya

Mga nakabilog:
1.    Nag-eehersisyo
2.    inilipat
3.    Tatawagan
4.    Sasamahan
5.    sumayaw
6.    tinutulungan
7.    Nakauwi
8.    pinaliguan
9.    Nagpapahinga
10.  Aalis

Pangnagdaan
Pangkasalukuyan
Panghinaharap
1.    inilipat
1.    Nag-eehersisyo
1.    Tatawagan
2.    sumayaw
2.    tinutulungan
2.    Sasamahan
3.    Nakauwi
3.    Nagpapahinga
3.    Aalis
        4.   pinaliguan



B.   Takdang-Aralin
1.    Nakakita
2.    Isusulat
3.    Maglilinis
4.    Binayaran
5.    tinatawagan

                                                                                                Inihanda ni:

RAYMARK M. VILLANUEVA
                                                                           Tagapagpakitang turo
Inaprubahan ni:

ELISA M. MORALES 
Cooperating Teacher

Nilagdaan ni :

LIZETTE M. ANICIETE
Principal II

4 (na) komento:

  1. hello po ! nakakatuwa naman po,biruin mo po yun magkaepelyido po tayo.

    TumugonBurahin
  2. t.y. po nakakatulong bilang guide ang inyong banghay aralin,,sa gaya kong nagsisimula pa lamang .ty ulit

    TumugonBurahin





  3. thanks po sa lesson plan .it helps a lot

    TumugonBurahin