MATH POEM
|
|
Gawain Ng Guro | Gawain Ng Mga Mag-Aaral | ||||||||||||||||||
A. Panimulang Gawain 1. Pang araw- araw na Gawain · Panimulang dasal · Pagtawag ng mga kalahok · Pampasigla B. Pagganyak 1. Pagkuha sa Interes ng mga Bata Masdan ninyo ang ating kapaligiran. Ano ang napapansin ninyo sa inyong mga nadaraanan? Lahat ba ay maganda sa inyong paningin? Malalaman natin kung tama nga ba ang inyong tinuran. C. Pag-Aalis Ng Sagabal Bago natin alamin ang sagot sa inyong mga tinuran, narito ang mga salita na dapat muna nating bigyang kahulugan nang maunawaan natin ang nais ipahatid sa atin ng awitin. Sa pisara ay nga salita, sa tapat ng bawat salita ay mga kahon na magbibigay ng kasing kahulugan nito. Bawat kahon ay may katumbas na titik, punan ng ibang mga titik ang kahon upang mabuo ang wastong kahulugan ng mga salita. 1. pag-unlad 2. matitikman 3. masdan 4. pagpanaw 5. biyaya 6. isinilang D. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad (Pangkatin ang klase sa apat na grupo). Bawat grupo ay magtatalaga ng tagapag-ulat/ lider, taga-sulat at tagapagmasid -oras. Bawat pangkat ay bibigyan ng kanya-kanyang kopya ng awit. Ipaparinig ko sa inyo ang awit at kung alam ninyo ay maaari ninyong sabayan. Pagkatapos mapakinggan ay bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto upang sagutan ang mga inihanda kong mga tanong. (Patugtugin ang awit). Masdan Ang Kapaligiran By Asin Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin REFRAIN 1 Hindi nga masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit, ‘wag na nating paabutin Upang kung tayo’y pumanaw man Sariwang hangin, sa langit natin matitikman REFRAIN 2 Mayro’n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan AD LIB Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman May mga puno pa kaya silang aakyatin May mga ilog pa kayang lalanguyan REFRAIN 3 Bakit ‘di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligaran Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan Darating ang panahon, mga ibong gala Ay wala nang madadapuan Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan REFRAIN 4 Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa ‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na [Repeat REFRAIN 2] 2. Pag-uulat/ Pagtatalakay Narito ang mga tanong: 2.1 Alin ang dating kulay asul at nangingitim na ngayon? Bakit? 2.2 Bukod sa atin, sino pa ang nangangailangan ng tirahan? 2.3 Sa awit, ano ang nangyari sa mga ibon? 2.4 Bakit nangyari ang naging sagot sa ikatlong tanong? 2.5 Bakit naman naging marumi ang hangin? 2.6 Ano-ano ang masasamang gawain ng mga tao ang nakakasira sa ating kapaligiran? (Pagkatapos ng sampung minuto, bawat pangkat ay ilalahad ang mga naging sagot sa mga katanungan.) Ano ang nais ipahatid sa atin ng awitin? Paano pahahalagahan ang ating kapaligiran? Magaling! 3. Paglinang ng Kasanayan Tingnan muli ang inyong kopya ng awit. Inyong bigyang pansin ang mga salitang nakasalungguhit. Ano-ano ang mga salitang ito? Ibigay nga ninyo. Ano ang ipinahahayag ng mga salitang ito? Tama! Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang nag papahayag ng kilos? Ano ang mga pandiwa? Tingnan ang mga salitang nasa hanay A. Kailan nangyari ang mga kilos na ipinahahayag? Ang pandiwa ay may tatlong aspekto, kung ang salitang kilos ay nagaganap na nabibilang ito sa aspektong pang kasalukuyan. Ngayon anong aspekto nabibilang ang mga salita sa hanay A? Paano natin masasabi na ang pandiwa ay nasa aspektong pangkasalukuyan? Tama! Magbigay nga kayo ng iba pang halimbawa. Dumako naman tayo sa mga salita na nasa hanay B. Kailan naganap ang mga kilos na ito? Nangyari na ba? Anong aspekto ng pandiwa naman ito nabibilang? Ano ngayon ang ipinapahayag ng mga pandiwang nasa aspektong pangnagdaan? ( Humingi ng halimbawa sa mga bata) Ngayon, tingnan naman natin ang mga natitirang mga salita na nasa hanay C. Kailan naganap ang mga pangyayarI ? Magaling ! Saang aspekto ito nabibilang? Tama! Paano natin masasabi na ang mga pandiwa ay nabibilang sa aspektong panghinaharap? (Pabigyan ng halimbawa ang mga bata) (Balikan ang mga sagot ng bawat grupo. Suriin ang mga ito kung gumamit sila ng mga pandiwa at itanong sa kanila kung anong aspekto ito nabibilang.) 4. Paglalahat Ano ang pandiwa? Ano ang tatlong aspekto ng pandiwa? Ano ang pagkakaiba ng mga ito. Mahusay! 5. Pagpapayamang Gawain Tingnan nga natin kung naiintindihan n’yo talaga ang ating pinag-aaralan. Gamit itong pentelpen/panulat, bilugan ang mga pandiwa sa mga pangungusap na nakasulat sa pisara. Pagkatapos ay isulat sa loob ng parihaba ang PN kung ito ay nasa aspektong pang nagdaan, PK kung pangkasalukuyan a t PH kung panghinaharap. | Hindi po! 1.
2. - malalasap 3. - tingnan 4. - pagkamatay 5. - grasya 6. - ipinanganak Ang tubig sa dagat dahil sa pagtatapon natin ng basura, patay na hayop at iba pang mga bagay na nagpaparumi dito. Nangangailangan din po ng tirahan ang mga hayop. Nawalan po ng tirahan ang mga ibon. Nawalan po ng bahay ang mga ibon dahil sa walang abas nating pagputol ng mga puno na siya namang tirahan nila. Dahil po sa mga maruruming hangin na nanggagaling sa mga sasakyan, pabrika at iba pang mababahong amoy o hangin na nalilikha na rin ng tao. Pagputol ng mga halaman at puno. Ang pagtapon ng basura kahit saan lalong-lalo na sa mga anyong tubig. Ang pagsunog ng mga basura lalong-lalo na ang mga plastik.. At iba pang masasamang Gawain. Ating pahalagahan ang ating kapaligiran. Magtanim ng mga puno. Magtapon ng basura sa tamang lugar. Iwasan ang paglikha ng maruruming hangin, at Makikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan ukol sa pangangalaga at pagpapauunlad ng ating kapaligiran. 1. napapansin 2. nangyayari 3. namamatay 4. nawawala 5. hinihiling 6. ikinalat 7. binawi 8. pumanaw 9. narating 10. isinilang 11. madadapuan 12. matitkman 13. darating 14. aakyatin 15. lalanguyan 16. dadalhin Nagpapahayag po ang mga ito ng kilos. Pandiwa po. Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng kilos o gawa. Ngayon po o ginagawa pa lamang po ang kilos. Ang mga salitang nasa hanay A ay nasa aspektong pangkasalukuyan. Ang isang pandiwa ay nasa aspektong pangkasalukuyan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na sinimulan na at ginagawa pa. kumukuha, nagdarasal, tumatakbo, naglilinis at nagsusulat. Opo, ang mga salita sa hanay B ay nagawa na o natapos na. Ang mga ito po ay nabibilang sa aspektong pangnagdaan. Ang mga pandiwang nasa aspektong pangnagdaan ay nagpapahayag ng kilos na ginawa na o natapos na. Ang mga kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang. Ito ay nasa aspektong panghinaharap. Masasabi nating ang kilos ay nasa aspektong panghinaharap kung ito ay hindi pa nagagawa at gagawin pa lamang. Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng kilos o gawa Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay: 1. pangkasalukuyan 2. pangnagdaan at 3. panghinaharap. Ang pandiwa ay nasa aspektong pankasalukuyan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na at ginagawa pa. Ito naman ay nasa aspektong pangnagdaan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na ginawa o natapos na. At ito ay nasa aspektong panghinaharap kung ito ay hindi pa nagagawa at gagawin pa lamang. PH 1. Ang mga bulaklak ay iaalay ng dalaga sa altar. PK 2. Nagdidilig si lolo ng halaman tuwing umaga. PN 3. Si Lucia ay magaling na sumunod sa kanyang ina. PN 4. Itinaas sa tagdan ag bandilang Pilipino. PK 5. Nagsisimba tuwing Linggo ang mag-anak ni G. Rivera. PN 6. Si Miguel ay maagang umalis kanina. PH 7. Kakain na po ba kayo? PK 8. Ang guro ay matiyagang nagpapaliwanag ng aralin sa mga mag-aaral. PN 9. Si Rufo ay dumalaw sa maysakit noong isang araw. PH10.Ang maliliit pero maaayos kong damit ay ibibigay ko sa mga ulila. |
Pangnagdaan | Pangkasalukuyan | Panghinaharap |
| | |
| | |
| | |
| | |
Pangnagdaan | Pangkasalukuyan | Panghinaharap |
1. inilipat | 1. Nag-eehersisyo | 1. Tatawagan |
2. sumayaw | 2. tinutulungan | 2. Sasamahan |
3. Nakauwi | 3. Nagpapahinga | 3. Aalis |
4. pinaliguan | | |